Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Jaare-oregim

Jaare-oregim

Isang pangalan na lumilitaw lamang sa 2 Samuel 21:19. Karaniwan nang ipinapalagay na lumitaw ang pangalang ito dahil sa pagkakamali ng eskriba at na ang tamang salin ay naingatan sa katulad na teksto sa 1 Cronica 20:5. Ang “Jaare” ay itinuturing na isang pagbago sa “Jair,” at ang “oregim” (ʼo·reghimʹ, “mga manghahabi” o “mga manggagawa sa habihan”) ay inaakalang nakopya nang di-sinasadya mula sa isang linya sa ibaba ng talata ring iyon.