Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Jabez

Jabez

1. [mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “kirot”]. Isang inapo ni Juda na pinanganlang Jabez ng kaniyang ina dahil sa kirot na nadama nito noong isinisilang siya. Si Jabez ay napatunayang higit na marangal kaysa sa kaniyang mga kapatid at, bilang sagot sa kaniyang panalangin, naranasan niya ang pagpapala at proteksiyon ni Jehova.​—1Cr 4:1, 9, 10.

2. Lumilitaw na isang lugar sa Juda, marahil ay itinatag ng Blg. 1. Ang Jabez ay tahanan ng tatlong pamilya ng mga eskriba. (1Cr 2:55) Hindi alam sa ngayon kung saan ang eksaktong lokasyon nito.