Jadon
[posibleng pinaikling anyo ng Jaazanias, nangangahulugang “Si Jehova ay Nakinig”].
Isang Meronotita na tumulong kay Nehemias na muling itayo ang pader ng Jerusalem noong 455 B.C.E. Lumilitaw na si Jadon ay mula sa kapaligiran ng Mizpa.—Ne 3:7.
Tinatawag ni Josephus na “Jadon” ang propeta sa 1 Hari 13 na di-binanggit ang pangalan.—Jewish Antiquities, VIII, 231 (viii, 5).