Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Jahaz

Jahaz

Isang lunsod sa S ng Jordan. Maliwanag na ito’y nasa H ng Arnon. Malamang na inagaw ito ng Amoritang si Haring Sihon sa mga Moabita. (Bil 21:23-26) Sa Jahaz tinalo ng mga Israelita ang mga hukbo ni Sihon, at ang lunsod ay naging pag-aari ng mga Rubenita. (Deu 2:32, 33; Jos 13:15, 18, 23; Huk 11:20, 21) Nang maglaon, ang Jahaz ay itinalaga bilang isang lunsod ng mga Levita para sa mga Merarita. (Jos 21:34, 36) Noong dakong huli sa kasaysayan ng Israel, ang lunsod ay napasailalim ng kontrol ng mga Moabita. Sa Batong Moabita, ipinaghambog ni Haring Mesa na sa pamamagitan ng 200 mandirigma ay nakuha niya ang Jahaz mula sa hari ng Israel. Gayundin, binanggit ng mga propetang sina Isaias at Jeremias ang lunsod na ito sa mga kapahayagan laban sa Moab.​—Isa 15:1, 4; Jer 48:1, 34.

Bagaman may ilang posibleng lokasyon na iminumungkahi ang mga iskolar para sa sinaunang Jahaz, hindi pa rin alam kung saan ang eksaktong lokasyon nito.