Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Jair

Jair

1. Isang inapo ni Juda sa pamamagitan ng kaniyang apo na si Hezron. Nag-asawa si Hezron ng isang babae mula sa tribo ni Manases. (1Cr 2:21, 22) Si Jair ay kinilala bilang isang inapo ni Manases sa halip na kay Juda, malamang na dahil sa kaniyang mga kabayanihan sa teritoryo ng Manases, kung saan niya binihag ang maraming nakatoldang lunsod at ipinangalan ang mga iyon sa kaniya, na siyang pangalang tinaglay ng mga iyon sa loob ng maraming salinlahi.​—Bil 32:41; Deu 3:14; Jos 13:30; 1Ha 4:13; tingnan ang HAVOT-JAIR.

2. Ang ikapitong hukom ng Israel. Yamang isa siyang Gileadita na may mataas na katayuan at bawat isa sa kaniyang 30 anak ay kaugnay sa isa sa nabanggit na mga nakatoldang lunsod ni Jair, malamang na siya ay inapo ng Blg. 1. Naghukom si Jair sa Israel sa loob ng 22 taon, pagkatapos nito ay namatay siya at inilibing sa Kamon.​—Huk 10:3-5.

3. Ama ni Mardokeo; sa tribo ni Benjamin.​—Es 2:5.

4. Ama ng Elhanan na pumatay sa kapatid ni Goliat na si Lami. (1Cr 20:5) Ang katumbas na ulat sa 2 Samuel 21:19 ay maliwanag na may pagkakamali ng tagakopya.​—Tingnan ang LAMI.