Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Jairo

Jairo

Isang punong opisyal ng sinagoga (malamang na sa Capernaum) na ang kaisa-isang anak na babae ay binuhay-muli ni Jesus.​—Mat 9:18; Mar 5:22; Luc 8:41, 42.

Noong huling bahagi ng 31 o maagang bahagi ng 32 C.E., nang ang 12-taóng-gulang na anak na babae ni Jairo ay magkasakit nang malubha anupat inaasahang mamamatay na ito, hinanap ng ama nito si Jesus, sumubsob sa paanan niya, at pinakiusapan siya na sumama at pagalingin ito bago maging huli ang lahat. Habang patungo sila sa kaniyang tahanan, tiyak na lubhang napatibay-loob si Jairo nang masaksihan niya ang pagpapagaling ni Jesus sa isang babae na 12 taon nang dumaranas ng pag-agas ng dugo. Ngunit tiyak na lubha siyang nasiraan ng loob nang ibalita sa kaniya ng mga mensahero na ang kaniyang anak na babae ay namatay na! Gayunman, sinabihan ni Jesus si Jairo na huwag matakot kundi manampalataya. Habang dumaraan sa gitna ng nagkakaingay na mga nagdadalamhati na nanlibak at nanuya nang sabihin ni Jesus na ang bata ay natutulog lamang, sinamahan ni Jairo, ng kaniyang asawa, at ng tatlong apostol si Jesus sa loob, kung saan muling binuhay ni Jesus ang dalagita. Gaya ng maaasahan, si Jairo at ang kaniyang asawa ay ‘halos mawala sa kanilang sarili sa napakasidhing kagalakan.’​—Mar 5:21-43; Mat 9:18-26; Luc 8:41-56.