Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Jakin

Jakin

[Itatag Nawa [ni Jehova] Nang Matibay].

1. Ang ikaapat na nakatalang anak ni Simeon. (Gen 46:10) Lumilitaw na tinatawag siyang Jarib sa 1 Cronica 4:24. Ang kaniyang mga inapo, ang mga Jakinita, ang bumubuo sa isa sa mga Simeonitang pamilya sa Israel.​—Exo 6:15; Bil 26:12.

2. Ang saserdote na ang sambahayan sa panig ng ama ay pinili sa pamamagitan ng palabunutan upang mag-asikaso sa ika-21 sa 24 na pangkat ng mga saserdote na inorganisa ni David. (1Cr 24:7, 17) Isa o higit pa sa kaniyang mga inapo (o ng iba pang saserdote na may gayunding pangalan) ang nanirahan sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya.​—1Cr 9:3, 10; Ne 11:10.

3. Ang nasa pinakatimog sa dalawang haligi na nakatayo sa harap ng templo ni Solomon.​—1Ha 7:15-22; tingnan ang BOAZ, II; KAPITAL.