Jarib
[Makipaglaban Nawa [ang Diyos]; Ipinakipaglaban [ng Diyos] ang [Aming] Usapin sa Batas].
1. Isang anak ni Simeon (1Cr 4:24), lumilitaw na sa ibang talata ay tinatawag na Jakin.—Gen 46:10; tingnan ang JAKIN Blg. 1.
2. Isa sa siyam na pangulo na isinugo ni Ezra upang pasiglahin ang mga Levita at mga Netineo na pumaroon sa ilog ng Ahava at sumama sa iba sa paglalakbay patungong Jerusalem.—Ezr 8:15-20.
3. Isa sa nakatalang mga kamag-anak ng mga saserdote na ‘nangako sa pamamagitan ng pakikipagkamay’ na paaalisin nila ang kanilang mga asawang banyaga bilang tugon sa utos ni Ezra.—Ezr 10:18, 19.