Jarmut
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “maging mataas (mapadakila)”].
1. Isa sa limang Amoritang lunsod na sangkot sa tinangkang ekspedisyon upang parusahan ang mga Gibeonita. Tinalo ni Josue ang hari nito, si Piram, at ang kaniyang mga kaalyado. Kasunod nito, ang lunsod na ito ng Sepela ay iniatas sa Juda. (Jos 10:3-5, 23-25; 12:7, 11; 15:20, 33, 35) Pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya, muling nanirahan ang mga Judeano sa Jarmut. (Ne 11:25, 29) Waring ang sinaunang lokasyon nito ay ang Khirbet Yarmuk (Tel Yarmut), mga 26 na km (16 na mi) sa KTK ng Jerusalem. Yamang ito ay nasa taluktok ng burol, nakatunghay ito sa mga baybaying kapatagan hanggang sa Gaza sa tabi ng Dagat Mediteraneo.
2. Isang lunsod sa Isacar na iniatas sa mga Gersonita. (Jos 21:27-29) Pinaniniwalaang ito rin ang Ramot (1Cr 6:73) at Remet.—Jos 19:21; tingnan ang RAMOT Blg. 1.