Jasobeam
[posible, Ang Bayan ay Nagbalik].
1. Isang Korahitang mandirigma na sumama sa mga hukbo ni David sa Ziklag. (1Cr 12:1, 6) Posibleng siya rin ang Blg. 2.
2. Ang pangulo ng tatlong pinakanamumukod-tanging makapangyarihang lalaki ni David. Ginamit ni Jasobeam ang kaniyang sibat upang labanan ang ilang daang kaaway at isa rin siya sa tatlo na sapilitang pumasok sa kampo ng mga Filisteo upang kumuha ng tubig para kay David mula sa imbakang-tubig ng Betlehem. (1Cr 11:11, 15-19) Nang maglaon, si Jasobeam ay inatasang maging ulo ng unang buwanang pangkat ng 24,000. (1Cr 27:1, 2) Siya ay anak ni Zabdiel; isang Hacmonita. Ang kaniyang pangalan ay binabaybay na Joseb-basebet sa 2 Samuel 23:8.—Tingnan ang JOSEB-BASEBET.