Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Jasub

Jasub

[marahil, Siya ay Nagbalik].

1. Ang ikatlong nakatalang anak ni Isacar at pinagmulan ng Jasubitang pangkat ng kaniyang tribo. (1Cr 7:1; Bil 26:23, 24) Tinatawag siyang Iob sa Genesis 46:13.

2. Isa sa “mga anak ni Bani” na pagkabalik mula sa pagkatapon sa Babilonya ay kumuha ng mga asawang banyaga ngunit nagpaalis sa mga ito.​—Ezr 10:29, 44.