Jatir
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “labis-labis pa; pag-apaw”].
Isang lunsod ng mga saserdote sa bulubunduking pook ng Juda. (Jos 15:20, 48; 21:9, 10, 14; 1Cr 6:54, 57) Sa Jatir nagpadala si David ng isang bahagi ng mga nasamsam niya nang magtagumpay siya sa mga manlulusob na Amalekita. Marahil ito’y bilang pagpapahalaga sa pagkamapagpatuloy at pakikipagkaibigang ipinakita nito sa kaniya noong panahong tinutugis siya ni Haring Saul.—1Sa 30:17-20, 26, 27, 31.
Karaniwang ipinapalagay na ang Jatir ay ang Khirbet ʽAttir (Horvat Yattir), na mga 21 km (13 mi) sa TTK ng Hebron.