Jedidias
[Minamahal ni Jah].
Ang pangalang ibinigay ng propeta ni Jehova na si Natan sa ikalawang anak nina David at Bat-sheba. (2Sa 12:24, 25) Ipinahiwatig ng pangalan ang pag-ibig at pagtanggap ni Jehova sa bagong-silang na sanggol, kabaligtaran ng pagtatakwil Niya sa kanilang naunang anak sa pangangalunya, na namatay di-kalaunan matapos ipanganak. (2Sa 12:13-19) Ngunit hindi hinalinhan ng pangalang Jedidias ang pangalang Solomon.—Tingnan ang SOLOMON.