Jehiel
[Mabuhay Nawa Siya, O Diyos!].
1. Isang Levita sa ikalawang pangkat ng mga manunugtog na sumabay sa kaban ng tipan mula sa bahay ni Obed-edom hanggang sa Jerusalem. (1Cr 15:17, 18, 20, 25, 28) Pagkatapos nito, si Jehiel at ang mga iba pa ay inatasang tumugtog sa labas ng tolda na kinaroroonan ng Kaban.—1Cr 16:1, 4-6.
2. Isang Levitang inapo ni Gerson sa pamamagitan ni Ladan; isang “pangulo.” (1Cr 23:6-8) Sa pagtatapos ng paghahari ni David, si Jehiel(i) at ang kaniyang mga anak (o ang sambahayan sa panig ng ama na tinawag sa kaniyang pangalan) ang nag-asikaso sa kabang-yaman na nauukol sa bahay ng pagsamba kay Jehova.—1Cr 26:21, 22; 29:8.
3. Tagapag-alaga, marahil ay isang tagapagturo, ng mga anak ni David; isang anak o inapo ni Hacmoni.—1Cr 27:32.
4. Isang anak ni Haring Jehosapat. Si Jehiel at ang kaniyang mga kapatid ay tumanggap ng mga kaloob na kayamanan at mga lunsod mula sa kanilang ama, ngunit ang pagkahari ay mapupunta sa kanilang pinakamatandang kapatid na si Jehoram. Gayunman, pagkamatay ni Jehosapat, ang lahat ng magkakapatid na ito ay pinatay ni Jehoram.—2Cr 21:1-4, 12, 13.
5. Isang Levita na tumulong sa pagtatapon ng maruruming bagay na inalis ni Haring Hezekias mula sa templo; inapo ni Heman. (2Cr 29:12, 14-19) Malamang na siya rin ang Blg. 6.
6. Isang Levitang komisyonado na inatasang tumulong sa pag-aasikaso sa saganang abuloy na dinala ng bayan sa templo noong panahon ng paghahari ni Hezekias. (2Cr 31:12, 13) Malamang na siya rin ang Blg. 5.
7. Isa sa tatlong “lider sa bahay ng tunay na Diyos” na nagbigay ng bukas-palad na mga abuloy na mga hayop na panghandog para sa pagdiriwang ng dakilang Paskuwa na isinaayos ni Haring Josias.—2Cr 35:8.
8. Isang miyembro ng sambahayan ni Joab sa panig ng ama na ang anak na si Obadias ay bumalik kasama ni Ezra sa Jerusalem.—Ezr 8:1, 9.
9. Isa na ang anak ay kumilala sa harap ni Ezra sa malaking pagkakamali ng bayan sa pagkuha ng mga asawang banyaga; inapo ni Elam. (Ezr 10:2) Ang Jehiel sa Ezra 10:26, na kabilang sa talaan ng mga nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak (Ezr 10:44), ay posibleng ang tao ring ito, o sa paanuman ay isa pang inapo ni Elam.
10. Isa sa mga saserdote na kumuha ng mga asawang banyaga ngunit nagpaalis sa mga ito.—Ezr 10:21, 44.