Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Jehonatan

Jehonatan

[Si Jehova ay Nagbigay].

Sa Hebreo, ang pangalang ito at ang Jonatan ay kadalasang halinhinang ginagamit. Ang nakatala sa ibaba ay yaon lamang mga paglitaw kung saan ito isinalin bilang Jehonatan. Para sa mga paglitaw kung saan ang mas maikling anyo ang makikita, tingnan ang JONATAN.

1. Isa sa mga Levitang isinugo ni Jehosapat noong ikatlong taon ng paghahari nito upang magturo ng kautusan ni Jehova sa mga tao ng Juda.​—2Cr 17:5, 7-9.

2. Isang kalihim na ang bahay ay ginawang bilangguan, kung saan pinanatili si Jeremias na nakakulong. (Jer 37:15, 20; 38:26) Malamang na ang bahay ay may mga silid sa ilalim ng lupa na angkop na gawing bilangguan.

3. Ulo ng isang sambahayan ng mga saserdote sa panig ng ama pagkaraan ng pagkatapon noong mga araw ng kahalili ni Jesua na si Joiakim.​—Ne 12:10, 12, 18.