Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Jehova-nisi

Jehova-nisi

Pangalan ng altar na itinayo ni Moises bilang pinakaalaala pagkatapos magtagumpay ang Israel laban sa pakikipagbaka sa mga Amalekita sa Repidim.​—Exo 17:8, 13-16.

Ang pangalang ito ay nangangahulugang “Si Jehova ang Aking Posteng Pananda,” anupat ang nis·siʹ ay hinalaw sa nes (posteng pananda). Ipinapalagay ng mga tagapagsalin ng Griegong Septuagint na ang nis·siʹ ay hinalaw sa nus (tumakas upang manganlong), kaya naman binibigyan nila ito ng kahulugang “Si Jehova ang Aking Kanlungan.” Samantala, sa Latin na Vulgate, ipinapalagay na ang nis·siʹ ay hinalaw sa na·sasʹ (itaas; iangat), kaya naman binibigyan ito ng kahulugang “Si Jehova ang Aking Pagkakataas.”​—Exo 17:15, tlb sa Rbi8.