Jehova-shalom
[Si Jehova ay Kapayapaan].
Pangalang ibinigay sa altar na itinayo ni Gideon sa Opra sa K ng Jordan. Pagkatapos niyang makita ang anghel ni Jehova, si Gideon ay natakot na baka siya’y mamatay. Ngunit tiniyak sa kaniya: “Kapayapaan nawa ang mapasaiyo. Huwag kang matakot. Hindi ka mamamatay.” Bilang pasasalamat, itinayo ni Gideon ang altar, maliwanag na hindi para sa paghahain, kundi bilang pinakaalaala para kay Jehova.—Huk 6:22-24.