Jehud
Isang lugar sa teritoryo ng Dan. (Jos 19:40, 45) Karaniwang ipinapalagay na ito ang el-Yehudiyeh (Yehud), na mga 13 km (8 mi) sa S ng Tel Aviv-Yafo. Gayunman, “Azor” ang ginagamit ng Griegong Septuagint (Vatican MS. No. 1209) sa halip na “Jehud.” (Jos 19:45) Dahil dito, iniuugnay ng ilang iskolar ang Jehud sa isang gulod na malapit sa Yazur (Azor), mga 6 na km (3.5 mi) sa STS ng Tel Aviv-Yafo. Pinaniniwalaang ito ang lugar na tinatawag na Azuru sa mga ulat ng kasaysayan ni Senakerib.