Jeria
[Makita Nawa ni Jehova; Nakita ni Jehova].
Anak o inapo ng anak ni Kohat na si Hebron. (1Cr 23:12, 19) Si Jeria o ang kaniyang sambahayan sa panig ng ama ay binabanggit may kaugnayan sa pag-oorganisa ni David sa mga Levita (1Cr 24:23, 30, 31) at tinatawag na ulo ng mga Hebronita nang atasang mamahala sa teritoryo sa S ng Jordan. Sa pagkakataong ito ang kaniyang pangalan ay binabaybay na “Jerias.”—1Cr 26:31, 32.