Jeroham
[Pagpakitaan Nawa Siya ng Awa].
1. Ama ni Elkana at lolo ni Samuel; inapo ng Levitang si Kohat.—1Sa 1:1, 19, 20; 1Cr 6:22, 27, 34, 38.
2. Isang Benjamita ng Gedor na ang dalawang “anak” ay binanggit na kabilang sa “mga katulong [ni David] sa pakikidigma” habang ito ay nasa Ziklag at hindi pa makakilos dahil kay Saul.—1Cr 12:1, 2, 7.
3. Ama ni Azarel na prinsipe ng tribo ni Dan sa ilalim ni Haring David.—1Cr 27:1, 22.
4. Ama ni Azarias, isa sa mga pinuno ng hukbo na tumulong kay Jehoiada na italaga si Jehoas bilang hari.—5. Isang inapo ni Benjamin na ang anim na binanggit na “mga anak” ay naging mga ulo ng mga pamilya na naninirahan sa Jerusalem. (1Cr 8:1, 26-28) Posibleng siya rin ang Blg. 6.
6. Benjamitang ninuno ni Ibneias, na nanirahan sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon. (1Cr 9:7, 8) Posibleng siya rin ang Blg. 5.
7. Ama o ninuno ni Adaias, isang saserdote na nanirahan sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya.—1Cr 9:3, 10, 12; Ne 11:4, 12.