Jerubaal
[Hayaang Gumawa si Baal ng Legal na Pagtatanggol (Makipaglaban)].
Ang pangalang ibinigay kay Gideon na anak ni Joas na Abi-ezrita matapos niyang gibain ang altar ng kaniyang ama na para kay Baal at ang kahoy na sagradong poste sa tabi niyaon; pagkatapos, sa isang altar na itinayo para kay Jehova, naghain si Gideon ng isang toro na pag-aari ng kaniyang ama, anupat ang mga piraso ng sagradong poste ang ginamit na panggatong.—Huk 6:11, 25-27.
Kinaumagahan, galit na galit ang mga lalaki ng Opra nang matuklasan nila kung ano ang nangyari. Kaya nag-usisa sila at, nang malaman na si Gideon ang gumawa ng bagay na iyon, gusto nila siyang patayin. Ang ama ni Gideon na si Joas ay pumanig sa kaniya at nagsabi: “Kayo ba ang gagawa ng legal na pagtatanggol para kay Baal upang tingnan kung maililigtas ninyo siya? Ang sinumang gagawa ng legal na pagtatanggol para sa kaniya ay dapat patayin sa umaga ngang ito. Kung siya ay Diyos, hayaang gumawa siya ng legal na pagtatanggol para sa kaniyang sarili, sapagkat may gumiba ng kaniyang altar.” Nagpatuloy ang ulat ng Bibliya: “At tinawag niya siyang Jerubaal nang araw na iyon, na sinasabi: ‘Hayaang gumawa si Baal ng legal na pagtatanggol sa ganang kaniya, sapagkat may gumiba ng kaniyang altar.’”—Huk 6:28-32.
Si Gideon ay tinatawag na Jerubeset sa 2 Samuel 11:21.—Tingnan ang GIDEON.