Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Jesaias

Jesaias

[Pagliligtas ni Jehova].

1. Isang Levitikong inapo ni Moises sa pamamagitan ni Eliezer, at ninuno ng Selomot na inatasan ni David bilang isa sa kaniyang mga ingat-yaman.​—1Cr 23:15; 26:24-26.

2. Isang Levitang manunugtog na mula sa “mga anak ni Jedutun,” na pinili sa pamamagitan ng palabunutan upang pangunahan ang ika-8 sa 24 na Davidikong pangkat ng manunugtog.​—1Cr 25:1, 3, 15.

3. Isang Benjamita na ang malayong inapo ay nanirahan sa Jerusalem noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias.​—Ne 11:4, 7.

4. Ulo ng sambahayan ni Elam sa panig ng ama na sa kaniyang pangkat ay may 70 lalaking sumama kay Ezra sa pagbabalik sa Jerusalem.​—Ezr 8:1, 7.

5. Isang Meraritang Levita na bumalik ding kasama ni Ezra mula sa Babilonya.​—Ezr 8:1, 19.

6. Isang inapo ni Haring David; apo ni Gobernador Zerubabel.​—1Cr 3:1, 19, 21.