Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Jesana

Jesana

[Matanda[ng Bayan]].

Isang lugar na binanggit kasama ng Mizpa nang tukuyin ang lokasyon ng batong itinayo ni Samuel at tinawag niyang “Ebenezer.” (1Sa 7:12) Ang Jesana ay isa sa mga lunsod na binihag ni Haring Abias ng Juda (980-978 B.C.E.) mula kay Jeroboam na hari ng Israel. (2Cr 13:19) Itinuturing na ito rin ang Isana na tinukoy ni Josephus bilang ang lugar kung saan nagtagumpay si Herodes na Dakila laban kay Heneral Pappus. (Jewish Antiquities, XIV, 458 [xv, 12]) Ang pangalang Isana ay waring napanatili sa Burj el-Isaneh, na mga 8 km (5 mi) sa HHS ng Bethel. Dahil dito, ang lugar na ito’y iminumungkahi bilang posibleng lokasyon ng sinaunang Jesana.