Jesus
[anyong Lat. ng Gr. na I·e·sousʹ, na katumbas ng Heb. na Ye·shuʹaʽ o Yehoh·shuʹaʽ at nangangahulugang “Si Jehova ay Kaligtasan”].
Ang Judiong istoryador na si Josephus ng unang siglo C.E. ay bumanggit ng mga 12 tao na may gayong pangalan, bukod pa sa mga nasa ulat ng Bibliya. Lumilitaw rin ito sa mga akdang Apokripal ng huling mga siglo ng yugtong B.C.E. Samakatuwid, isa itong karaniwang pangalan noong yugtong iyon.
1. Ang pangalang I·e·sousʹ ay lumilitaw sa tekstong Griego ng Gawa 7:45 at Hebreo 4:8 at tumutukoy kay Josue, ang lider ng Israel pagkamatay ni Moises.—Tingnan ang JOSUE Blg. 1.
2. Isang ninuno ni Jesu-Kristo, maliwanag na sa linya ng kaniyang ina. (Luc 3:29) Ang ilang sinaunang manuskrito ay kababasahan dito ng “Jose(s).”—Tingnan ang TALAANGKANAN NI JESU-KRISTO.
3. Si Jesu-Kristo.—Tingnan ang JESU-KRISTO.
4. Isang Kristiyano, maliwanag na Judio, at kamanggagawa ni Pablo. Tinawag din siyang Justo.—Col 4:11.