Jeus
[posible, Maglaan Nawa Siya ng Tulong].
1. Isang anak ni Esau sa kaniyang Hivitang asawa na si Oholibama. Si Jeus ay ipinanganak sa Canaan, ngunit nang maglaon ay lumipat ang pamilya sa Edom.—Gen 36:2, 5-8, 14, 18; 1Cr 1:35.
2. Isang inapo ni Benjamin; isang mandirigma at pinagmulan ng isang pantribong pamilya.—1Cr 7:6, 10.
3. Isang Gersonitang Levita; anak ni Simei. Yamang kaunting-kaunti ang naging mga anak kapuwa ni Jeus at ng kaniyang kapatid na si Berias, ang kanilang mga inapo noong panahon ni David ay nagsama upang bumuo ng isang sambahayan sa panig ng ama.—1Cr 23:7, 10, 11.
4. Ang unang binanggit na anak ni Haring Rehoboam, ipinapalagay na sa kaniyang asawang si Mahalat. Dahil higit na inibig ni Rehoboam ang isa pang asawa, nilampasan si Jeus sa hanay ng mga hahalili sa hari.—2Cr 11:18-23.
5. Isang Benjamita; isa sa mga inapo ni Haring Saul.—1Cr 8:33, 39.