Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Joa

Joa

[Si Jehova ay Kapatid (Kasamahan)].

1. Isa sa mga Levitikong bantay ng pintuang-daan na inatasan sa tungkuling pagbabantay sa mga kamalig noong mga araw ni David; ang ikatlong anak ni Obed-edom.​—1Cr 26:1, 4, 12-15.

2. Isang Levitang nagmula kay Gersom (Gerson); anak ni Zima. (1Cr 6:1, 19b-21) Posibleng siya rin ang Joa na, kasama ng kaniyang anak, ay tumulong sa pagtatapon ng maruruming bagay na inalis ni Hezekias mula sa templo sa pasimula ng paghahari nito.​—2Cr 29:1, 3, 12, 16.

3. Isa sa komite ng tatlo katao na isinugo ni Haring Hezekias upang pakinggan kung ano ang sasabihin ng Asiryanong mensaherong si Rabsases ngunit inutusang huwag sagutin ang mga paratang at mga pagyayabang nito. Gayunman, hiniling ni Joa at ng kaniyang dalawang kasamahan na magsalita sa kanila si Rabsases sa wikang Siryano, na nauunawaan nila, sa halip na sa wika ng mga Judio sa pandinig ng iba pang nasa pader ng lunsod. Hapak ang kanilang mga kasuutan, iniulat nila kay Hezekias ang mga banta nito. (2Ha 18:18, 26, 36, 37; Isa 36:3, 11, 21, 22) Ang pagkakaayos ng teksto na, “si Joa na anak ni Asap na tagapagtala,” ay nagpapahintulot na alinman kay Joa o kay Asap ang maging “tagapagtala,” ngunit mas malamang na si Joa mismo ang humawak ng katungkulang ito, kung paanong ang dalawang kasama niya ay inilalarawan din ayon sa kanilang katungkulan.

4. Ang tagapagtala na sa pamamagitan niya ay nagpadala si Haring Josias ng salapi sa mga manggagawa upang kumpunihin ang templo; anak ni Joahaz.​—2Cr 34:8-11.