Joahaz
[pinaikling anyo ng Jehoahaz, nangangahulugang “Tanganan Nawa ni Jehova; Tinanganan ni Jehova”].
1. Naiibang baybay ng pangalan ni Jehoahaz, na hari ng Israel, gaya ng makikita sa ilang salin (AS, JP, Ro, RS) ng 2 Hari 14:1. Doon ay mababasa sa tekstong Masoretiko ang Yoh·ʼa·chazʹ, ngunit salig sa awtoridad ng mga manuskritong Hebreo na kababasahan ng Yehoh·ʼa·chazʹ, isinalin ng iba pang mga salin (AT, JB, Mo, NW) ang pangalan bilang Jehoahaz.—Tingnan ang JEHOAHAZ Blg. 2.
2. Ama ng tagapagtala ni Haring Josias na si Joa.—2Cr 34:1, 8.
3. Naiibang baybay, sa 2 Cronica 36:2, ng pangalan ni Jehoahaz, ang anak at kahalili ni Josias, na hari ng Juda. Dito ay sinunod ng ilang salin (AS, AT, JP, Ro) ang tekstong Masoretiko at kababasahan ng Joahaz, samantalang ang iba (KJ, JB, Mo, NW) ay kababasahan ng Jehoahaz.—Tingnan ang JEHOAHAZ Blg. 3.