Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Joas

Joas

Ang pangalang ito ay binabaybay sa dalawang paraan sa Hebreo, bagaman “Joas” lamang sa Tagalog. Ang una at higit na pangkaraniwan, Yoh·ʼashʹ, ay isang pinaikling anyo ng Jehoas. Ang Bilang 1 at 5 na nakatala sa ibaba ang isa pang baybay, Yoh·ʽashʹ.

1. Isang Benjamita sa linya ng pamilya ni Beker.​—1Cr 7:6, 8.

2. Isang inapo ni Juda sa pamamagitan ng kaniyang ikatlong binanggit na anak na si Shela.​—1Cr 2:3; 4:21, 22.

3. Ang ama ni Hukom Gideon; isang Abi-ezrita na mula sa tribo ni Manases. (Huk 6:11, 15; 7:14; 8:13, 32) Maliwanag na si Joas ay isang lalaking maykaya at maimpluwensiya sa komunidad, nagmamay-ari ng isang altar na nakaalay kay Baal, gayundin ng isang “sagradong haligi,” at may isang sambahayan ng mga lingkod. Nang palihim na gibain ng kaniyang anak na si Gideon ang altar at ang sagradong haligi na ito, at magtayo sa kinalalagyan ng mga ito ng isang altar para kay Jehova kung saan siya naghain ng isang pitong-taóng-gulang na toro, hiniling ng mga mamamayan ng dakong iyon na isuko ni Joas ang kaniyang anak upang patayin. Ang sagot ni Joas ay: “Kung [si Baal] ay Diyos, hayaang gumawa siya ng legal na pagtatanggol para sa kaniyang sarili.” At dahil dito ay sinimulan ni Joas na tawaging Jerubaal ang kaniyang anak.​—Huk 6:25-32; 8:29.

4. Isa sa makapangyarihang mga lalaki na mula sa tribo ni Benjamin na sumama sa mga hukbo ni David sa Ziklag nang nagtatago ito dahil kay Saul; anak o inapo ni Semaa.​—1Cr 12:1-3.

5. Isang pinuno na inatasan ni Haring David upang mangasiwa sa mga imbakan ng langis.​—1Cr 27:28, 31.

6. Isa sa mga pinagkatiwalaan ni Ahab na magbilanggo sa tapat na propetang si Micaias. Tinatawag siyang “anak ng hari.” (1Ha 22:26, 27; 2Cr 18:25, 26) Ang pananalitang ito ay maaaring tumukoy sa isang supling ni Haring Ahab o maaaring mangahulugang isang opisyal na nagmula sa maharlikang angkan o kaya ay isa na may malapit na kaugnayan sa maharlikang sambahayan.

7. Pinaikling anyo ng Jehoas, hari ng Juda at anak ni Ahazias. (2Ha 11:2, 3, 21) Ang Joas bilang isa pang baybay ng Jehoas ay lumilitaw nang maraming ulit sa tekstong Hebreo Masoretiko, gaya ng ipinakikita sa mga talababa ng New World Translation.​—2Ha 12:19; 1Cr 3:11; 2Cr 24:1, 2; tingnan ang JEHOAS Blg. 1.

8. Pinaikling anyo ng Jehoas, hari ng Israel, anak ni Jehoahaz at apo ni Jehu. (2Ha 14:1, 8, 9) Ang isa pang baybay na ito (Joas) ay madalas na lumilitaw sa tekstong Masoretiko.​—2Ha 13:9, 12, 13; 2Cr 25:17, 18, 21; Os 1:1; Am 1:1; tingnan ang JEHOAS Blg. 2.