Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Joiada

Joiada

[pinaikling anyo ng Jehoiada, nangangahulugang “Malaman Nawa ni Jehova”].

1. Anak ni Pasea na tumulong na magkumpuni ng Pintuang-daan ng Matandang Lunsod noong iutos ni Nehemias na muling itayo ang pader ng Jerusalem.​—Ne 3:6.

2. Apo sa tuhod ni Jesua at ama ni Johanan (Jonatan) sa linya ng mga mataas na saserdote pagkaraan ng pagkatapon. (Ne 12:10, 11, 22) Dinungisan ng isa sa mga anak ni Joiada ang sarili nito at ang pagkasaserdote nito sa pamamagitan ng pakikipag-asawa sa anak ni Sanbalat na Horonita, anupat dahil dito ay itinaboy siya ni Nehemias.​—Ne 13:28, 29.