Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Joiakim

Joiakim

[pinaikling anyo ng Jehoiakim, posibleng nangangahulugang “Ibinabangon ni Jehova”].

Anak at maliwanag na kahalili ng mataas na saserdoteng si Jesua na nabuhay pagkaraan ng pagkatapon. (Ne 12:10, 12, 26) Maliwanag na humawak siya ng katungkulan noong panahong bumalik si Ezra. (Jewish Antiquities, XI, 121 [v, 1]) Gayunman, noong panahong dumating si Nehemias nang dakong huli (455 B.C.E.), ang anak ni Joiakim na si Eliasib ang kasalukuyang mataas na saserdote.​—Ne 3:1.