Jokmeam
[Hayaang Bumangon (o, Tumayo) ang Bayan].
1. Isang Efraimitang lunsod na ibinigay sa mga Kohatita. (1Cr 6:66, 68) Sa Josue 21:22, maliwanag na ang Jokmeam ay tinatawag na “Kibzaim,” marahil ay ibang pangalan o dating pangalan ng lugar na iyon. Hindi alam sa ngayon kung saan ang lokasyon nito.
2. Isang rehiyon na kahangga ng teritoryong pinangangasiwaan ng anak ni Ahilud na si Baana, isa sa 12 kinatawan ni Solomon. (1Ha 4:12) Maaaring ito rin ang Jokneam.