Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Jokneam

Jokneam

Isang lunsod sa Carmel. Nilupig ito ni Josue. (Jos 12:7, 22) Bagaman ang Jokneam ay orihinal na nakaatas sa tribo ni Zebulon (Jos 19:10, 11), nang maglaon ay ibinigay ito sa mga Meraritang Levita. (Jos 21:34) Karaniwang ipinapalagay ngayon na ito ang Tell Qeimun (Tel Yoqneʽam), na nasa isang gulod sa paanan ng Bundok Carmel, mga 11 km (7 mi) sa HK ng Megido. Mula roon ay matatanaw ang Libis ng Jezreel. Sa 1 Hari 4:12, posibleng ang “Jokmeam” ay maling baybay ng “Jokneam.”