Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Joktan

Joktan

Isang inapo ni Eber, kapatid ni Peleg, at ama ng 13 anak na lalaki. (Gen 10:25-29; 1Cr 1:19-23) Ang mga pangalan ng ilan sa mga inapo ni Joktan ay waring nanatili sa iba’t ibang lugar sa T at TK Arabia. Sinasabi na si Joktan ang pinagmulan ng unang mga tao sa Arabia, na naiiba sa mga tribo na nagmula sa mga anak ni Abraham kina Hagar at Ketura. Ang mga hangganan ng teritoryong tinahanan ng mga inapo ni Joktan ay inilalarawan sa Bibliya na “mula sa Mesa hanggang sa Separ” (Gen 10:30), ngunit hindi matiyak ang eksaktong lugar na saklaw nito.