Joram
[pinaikling anyo ng Jehoram, nangangahulugang “Si Jehova ay Mataas (Dinakila)”].
1. Anak ni Haring Toi ng Hamat. Si Joram ay isinugo taglay ang mamahaling mga kaloob na yari sa ginto, pilak, at tanso, lakip na ang pagbati ng kaniyang ama, kay Haring David nang matalo nito si Hadadezer na hari ng Zoba. Tinanggap at pinabanal naman ni David ang mga kaloob para kay Jehova. (2Sa 8:5, 9-11) Sa isang katulad na ulat, ang pangalan ni Joram ay binabaybay na Hadoram.—1Cr 18:9-11.
2. Isang inapo ng Levitang si Eliezer, anak ni Moises; lumilitaw na nabuhay siya noong si David ang hari.—1Cr 26:24, 25; Exo 18:2-4.
3. Hari ng Israel sa loob ng 12 taon; anak ni Ahab. Karaniwan nang kilala siya sa mas mahabang anyo ng kaniyang pangalan, Jehoram. (2Ha 3:1) Sa tatlong kabanata lamang natin masusumpungan ang maikling anyo nito sa tekstong Masoretiko.—2Ha 8:16, tlb sa Rbi8, 17-29; 9:14, tlb sa Rbi8, 15-29; 2Cr 22:5, tlb sa Rbi8, 6, 7; tingnan ang JEHORAM Blg. 2.
4. Hari ng Juda sa loob ng walong taon; anak ni Jehosapat. Sa ilang pagkakataon ay makikita sa tekstong Masoretiko ang kaniyang pangalan 2Ha 8:21, 23, 24; 11:2; 1Cr 3:11, tlb sa Rbi8) Masusumpungan din ang pinaikling anyo sa Westcott and Hort Greek Text, ngunit ang ilang salin ay nagbibigay ng pantulong sa pag-unawa sa pamamagitan ng paggamit ng buong pangalan.—Mat 1:8, NW, Sawyer, TC, We; tingnan ang JEHORAM Blg. 3.
sa maikling anyo nito. (