Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Jotbata

Jotbata

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “mapabuti; maging kasiya-siya; gumawa ng mabuti”].

Isang kampamento ng mga Israelita sa ilang. Ang lugar na ito ay natutubigang mainam. (Bil 33:33, 34; Deu 10:7) Hindi matukoy kung saan ang eksaktong lokasyon nito. Gayunman, iminumungkahi na posibleng ito ay ang ʽAin Tabah (ʽEn Yotvata), na nasa isang mababang latian na mga 40 km (25 mi) sa H ng Ezion-geber.