Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Jozacar

Jozacar

[Inalaala ni Jehova].

Isang lingkod ni Haring Jehoas ng Juda. Pinatay niya at ng kaniyang kasamahang si Jehozabad ang kanilang tagapamahala bilang pagganti sa kamatayan ni Zacarias at marahil ng iba pang mga anak ng mataas na saserdoteng si Jehoiada. Gayunman, ipinaghiganti naman ng anak at kahalili ni Jehoas na si Amazias ang kamatayan ng kaniyang ama sa pamamagitan ng pagpapabagsak kay Jozacar at sa kasabuwat nito. Si Jozacar ay anak ni Simeat, isang babaing Ammonita. Tinatawag din siyang Zabad.​—2Ha 12:20, 21; 2Cr 24:20-22, 25-27; 25:1, 3.