Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Juana

Juana

[pinaikling anyong pambabae ng Jehohanan, nangangahulugang “Si Jehova ay Nagpakita ng Lingap; Si Jehova ay Nagmagandang-loob”].

Isa sa ilang babae na pinagaling ni Jesu-Kristo mula sa kanilang mga sakit at pagkatapos ay naging mga tagasunod niya, na naglingkod sa kaniya at sa mga apostol niya mula sa kanilang sariling mga tinatangkilik. (Luc 8:1-3) Lumilitaw na si Juana ay kasama ng mga babaing naroroon nang ibayubay si Jesus. Yamang naghanda sila ng mga espesya at langis upang dalhin sa libingan niya, kabilang ang mga babaing ito sa mga unang nakaalam na siya ay binuhay-muli. Ngunit hindi makapaniwala ang 11 apostol sa kanilang ulat. (Luc 23:49, 55, 56; 24:1-11) Ang asawa ni Juana na si Cuza ay katiwala ni Herodes Antipas.​—Luc 8:3.