Julio
Isang Romanong opisyal ng hukbo o senturyon ng pangkat ni Augusto na nag-ingat kay Pablo sa paglalakbay patungong Roma. (Gaw 27:1; tingnan ang OPISYAL NG HUKBO; AUGUSTO, PANGKAT NI.) Mula noong pasimula ng pagbibiyahe sa dagat, lumilitaw na natanto ni Julio na hindi isang pangkaraniwang bilanggo si Pablo at pinagpakitaan niya ito ng kabaitan, halimbawa, hinayaan niya itong dumaong upang dumalaw sa mga kaibigan nito sa Sidon. Gayunman, nang maglaon, nang ipahiwatig ni Pablo na pansamantalang magiging mapanganib kung magpapatuloy sila sa paglalakbay, nakinig si Julio sa salungat na opinyon ng piloto at ng may-ari ng barko. Sa kalaunan, napigilan ng mga kawal ni Julio ang pagtakas ng mga magdaragat, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga salita ni Pablo: “Malibang manatili sa barko ang mga taong ito ay hindi kayo maliligtas.” Nang mawasak ang barko, nailigtas ni Julio ang buhay ni Pablo dahil hindi niya hinayaang patayin ng mga kawal ang mga bilanggo.—Gaw 27:1-44.