Kain
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “maglabas; magtamo; bumili”].
1. Isang pangalang ginamit sa isang kasabihan ni Balaam upang tumukoy sa tribo ng mga Kenita. (Bil 24:22) Isinalin itong “mga Kenita” sa Hukom 4:11.—Tingnan ang KENITA.
2. Isang lunsod sa bulubunduking pook ng Juda. (Jos 15:1, 48, 57) Iniuugnay ito sa en-Nebi Yaqin, mga 6 na km (3.5 mi) sa TS ng Hebron.