Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kamilya

Kamilya

Isang nabubuhat na higaan o kama na kadalasa’y may kulandong sa ibabaw at mga kurtina sa mga tagiliran, anupat dinisenyo upang ang isang importanteng tao na sakay nito, samantalang siya’y nakaupo o nakahilig, ay mabuhat ng mga lalaki o ng mga hayop na pantrabaho; isang palangkin gaya ng ginagamit sa Silangan. Ang maharlikang kamilya ni Haring Solomon ay gawa sa mga tablang sedro ng Lebanon, anupat may mga haliging pilak at mga suhay na yari sa ginto, at ang upuan o kutson nito ay binalutan ng mamahalin at magandang lanang tinina sa mamula-mulang purpura. Ang loob nito ay may magagarbong palamuti, anupat posibleng ginamitan ng ebano.​—Sol 3:7-10, tlb sa Rbi8.

Ang langkayan, o nabubuhat na higaang panlibing, kung saan isinasakay ang labí ng namatay, ay tinatawag na so·rosʹ.​—Luc 7:14.