Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kamon

Kamon

Ang lugar kung saan inilibing si Hukom Jair. (Huk 10:5) Tinutukoy ni Josephus ang Kamon bilang “isang lunsod ng Gilead.” (Jewish Antiquities, V, 254 [vii, 6]) Waring tumutugma ito sa pagtukoy ng Kasulatan kay Jair bilang isang “Gileadita.” (Huk 10:3) Dalawang lokasyon sa S ng Jordan ang karaniwang iminumungkahi para sa sinaunang Kamon. Ang isa ay ang Qamm, na mga 18 km (11 mi) sa TS ng Dagat ng Galilea. Ngunit ang mga guho nito ay hindi kakikitaan ng katibayan na tinirahan ito bago ang mga panahong Romano. Ang isa pang iminumungkahi ay isang lugar na ang mga guho ay hindi gayon kalawak at di-matukoy kung kailan umiral. Ito ay nasa Qumeim, mga 3 km (2 mi) sa mas gawing T pa.