Kane
Isang lugar na binanggit kasama ng Haran at Eden na nakikipagnegosyo sa sinaunang Tiro. (Eze 27:23) Dahil iniugnay ito sa Haran at Eden, waring ito’y nasa hilagang Mesopotamia, sa gitnang bahagi ng kahabaan ng Ilog Eufrates. Sa pangmalas ng ilang iskolar, ang pangalang ito ay isang pinaikling anyo ng Calne.