Kap
[כ; pinal, ך].
Ang ika-11 titik ng alpabetong Hebreo. Sa tunog, ang kap ay katugma ng kh kapag wala itong tuldok (daghesh lene) sa loob nito; ngunit kapag mayroon itong tuldok sa loob nito (כּ), nagiging matigas ito na gaya ng Ingles na “k.” Sa Hebreo, ito ang unang titik sa bawat isa sa walong talata ng Awit 119:81-88. Magkahawig ang anyo ng mga titik na kap [כ] at bet [ב].