Kelub
[Basket; Hawla].
1. Inapo ni Juda; kapatid ni Suha at ama ni Mehir. (1Cr 4:1, 11) Ang saling “Kelub” ng kaniyang pangalan ay batay sa tekstong Masoretiko at ito ang makikita sa ilang salin. (KJ, NW, Ro, AT) Gayunman, tinatawag siyang “Caleb” sa Griegong Septuagint, Syriac na Peshitta, at sa Latin na Vulgate (mapanuring rebisyon ni Clement). Kaya naman, ito ang makikita sa mga salin nina Knox at Lamsa.
2. Ama ni Ezri na naglingkod kay Haring David bilang tagapangasiwa ng mga nagsasaka sa mga bukid.—1Cr 27:26.