Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kemuel

Kemuel

1. Isang anak ng kapatid ni Abraham na si Nahor at ng asawa nitong si Milca; samakatuwid, pamangkin ni Abraham. Nagkaroon siya ng isang anak na nagngangalang Aram.​—Gen 22:20, 21.

2. Anak ni Siptan at isang pinuno ng tribo ni Efraim. Isa siya sa 12 lalaki na inatasan ni Jehova sa pamamagitan ni Moises upang maghati-hati ng lupain ng Canaan sa mga Israelita, anupat kumatawan siya sa tribo ni Efraim sa gawaing ito.​—Bil 34:16-29.

3. Isang Levita na ama ni Hasabias, lider sa tribo ni Levi noong mga araw ni David.​—1Cr 27:16, 17.