Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kenanias

Kenanias

[malamang, Itinatag ni Jehova Nang Matibay].

1. Isang Levita na kapanahon ni Haring David. “Si Kenanias na pinuno ng mga Levita sa pagbuhat” ay isang taong bihasa at kuwalipikadong magturo sa iba hinggil sa wastong pagdadala ng sagradong Kaban.​—1Cr 15:22, 25-27.

2. Isang Kohatita na mula sa pamilya ni Izhar. Si Kenanias at ang kaniyang mga anak ay itinalaga sa “mga gawaing panlabas,” maliwanag na tumutukoy sa paglilingkod bilang mga hukom at mga opisyal, na umabot sa 6,000 nang panahong bilangin ni David ang mga Levita. (1Cr 26:29; 23:1-4, 12) Yamang mga Kohatita ang bumubuhat sa mga kagamitan ng santuwaryo noong mga araw ni Moises, posibleng ang Kenanias na ito at ang Blg. 1 ay iisa.​—Bil 4:4, 5, 15.