Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kenat

Kenat

Isang lugar sa S ng Jordan. Binihag ito ni Noba, malamang na isang Manasita. Pagkatapos ay tinawag niya ito ayon sa kaniyang sariling pangalan. (Bil 32:42) Ngunit marahil ay hindi nanatili ang katawagang “Noba,” sapagkat nang maglaon, “Kenat” ang iniulat na kinuha ng Gesur at Sirya. (1Cr 2:23) Nang maglaon, pinalitan ang pangalan nito ng Canatha. Isa ito sa orihinal na sampung lunsod ng Decapolis. Ipinapalagay na ang Kenat ay ang mga guho sa Qanawat, mga 90 km (60 mi) sa TTS ng Damasco at 7 km (4.5 mi) sa HK ng makabagong Soueida.