Keriot
[Mga Bayan].
Isang lugar na binanggit sa dalawang hula laban sa Moab. (Jer 48:24; Am 2:2) Maaaring ipinahihiwatig ng kahulugan ng pangalan nito na ang lunsod ay binubuo noon ng ilang mas maliliit na bayan. Hindi tiyak kung saan ang eksaktong lokasyon ng Keriot. Walang-katiyakang iminumungkahi ng ilang iskolar ang Saliya, isang dako na mga 16 na km (10 mi) sa STS ng Dibon at sa H ng Arnon. Naniniwala naman ang iba na marahil ang Keriot ay ang Ar din, sa T ng Arnon. Ang pangmalas na ito ay waring sinusuportahan ng bagay na ang Ar at ang Keriot, bagaman inihaharap bilang mga pangunahing lunsod (ihambing ang Am 2:1-3; Deu 2:9, 18), ay hindi lumilitaw na magkasama sa mga talaan ng mga bayang Moabita.—Ihambing ang Isa 15 at 16; Jer 48.
Bagaman walang pahiwatig ang Batong Moabita hinggil sa lokasyon ng Keriot, ipinakikita naman nito na ang diyos na si Kemos ay may santuwaryo roon.