Ket
[ח].
Ang ikawalong titik sa alpabetong Hebreo. Ang titik na ito ang pinakamagaralgal sa mga paimpit na tunog at kahawig ito ng tunog ng “ch” sa salitang Scottish na loch o sa salitang Aleman na ach. Sa Hebreo, ang bawat talata sa ikawalong seksiyon ng Awit 119 (tal 57-64) ay nagsisimula sa titik na ito.
Sa akdang ito, tinutumbasan ito ng transliterasyong k na dapat bigkasin nang may malakas na buga ng hangin.