Khesil
[Balakang [samakatuwid nga, dalisdis]].
Pangalan ng isang bayan na kasama sa talaan ng mga lugar na nasa teritoryo ng Juda. (Jos 15:21, 30) Ipinahihiwatig ng paghahambing ng Josue 15:30 sa Josue 19:4 at 1 Cronica 4:30 na maaaring ang Khesil at ang Betuel ay iisa.—Tingnan ang BETUEL Blg. 2.